Lagi ka bang tinatawag na mapayat? O kaya naman sakto lang ang bigat ng iyong katawan pero ayaw mo pa ring kumain? Kung isa ka sa nasabi ko, magandang basahin mo ang artikulong ito para malaman ang iba’t ibang natural na remedy para magkaroon ka naman na ng ganang kumain. 

Ang pagsusuffer sa emotional distress, depressi0n, hormonal imbalance, heartbroken, at eating disorders ay ang nagiging sanhi kung bakit nawawalan ng gana kumain ang isang tao. Minsan, hindi permanente ang ganito pero sa iba ay umaabot ng mahaba pang panahon.

Ito ang mga home remedies na dapat gawin ng isang taong walang ganang kumain:

1. Maple syrup
Matapos magpainit ng tubig na may halong maple syrup, alisin na ito sa pinagpapainitan at hayaang lumamig. Matapos mapalamig ng konti, magpiga ng lemon juice at suka sa parehong lalagyanan at haluing mabuti tsaka ilagay na sa isang container. Kapag natapos na ang prosesong ito saka uminom ng dalawang tablespoon, dalawang beses isang araw.
 
2. Yoga or other exercises

Sanaying matulog at magising sa tamang oras, magexercise, uminom ng 8-10 na basong tubig araw araw, iwasang kumain ng mga snack bago kumain ng heavy meals at dapat may tamang oras ka sa pagkain. Ang pagkakaroon ng ganitong habit ay ang pinakamagandang paraan para mabalik ang iyong gana sa pagkain. Magpractice ng yoga araw araw sa loob ng 30-45 minutes para sa malusog na pangangatawan at maimpove ang iyong digestion. Breathing yoga exercises at forward bending pose ang ilang sa mga poses na maari mong gawin.

 
3. Pomegranate Juice
Ang pomegranate ay puno ng antioxidants at bitamina Kung ito ay gagawing juice maaaring  na magandang  pampalakas at isa ring magandang inuming pampaggana kumain. Pwedeng pwede ito para sa kahit anong edad magmula bata hanggang matanda. Lagyan lang ng honey ang pomegranate juice at haluin ng mabuti para magkaroon pa ng lasa.
 
4. Ginger
Itinuturing ang luya bilang “most widely used appetite stimulant”  dahil mayroon itong nilalaman na substance na makakatulong upang palakasin ang immune at didigestive system. Bumili lang ng ginger powder at saka ihalo ito sa tubig at saka inumin matapos ang ilang araw ng paginom makikita mon a ang pinagbago sa gawi mo ng pagkain.
 
5. Tamarind

 

Babarin ang tamarind sa tubig ng mga ilang oras at ihiwalay ang tubig nito at lagyan ng asin at pepper para sa lasa at pagkatapos ay inumin na ito sa loob ng ilang mga araw para bumalik ang itong gutom. Dahil sa tamarind, maiimprove ang iyong appetite at digestion.

 

 

Got a story for us? Need to tell us about something amazing you've seen or done? Want us to investigate something? Get in touch!
Email receive.latestnews@gmail.com, and you could even earn money for your stories or tips.