Alam natin na kahit kailan ang pinakausong istilo pagdating sa buhok ay ang tuwid, makintab at malambot na uri ng buhok, dahil maganda itong tignan sa kahit anong hugis ng mukha. Bukod pa dito, ang tuwid na buhok ay maaring ilugay lamang o talian at lagyan ng istilo sa napakadaming paraan.

Ang mga taong hindi nabiyayaan na magkaroon ng natural na tuwid na buhok ay madalas umaasa sa mga gamot na ipinapahid sa buhok upang makaiwas lamang sa mga kulot kulot o mala alon na buhok. Gaya na lamang ng mga serbisyo sa salon na maaring makapagtuwid ng buhok sa mabilisang paraan.

 

 

 

Maaring tumuwid ang buhok sa mga ganitong uri ng serbisyo ngunit kalaunan ay paniguradong babalik at babalik ito sa kanyang natural na anyo. Maaring lumabas din ang mga iba pang masamang epekto  na makukuha natin sa mga serbisyong ito gaya na lamang ng pagtuyo ng buhok, mga sugat sa anit o pagkalagas ng buhok.

Ngunit mayroon paring mga natural na paraan upang gumanda at bumagsak ang buhok ng hindi na kinakailangan pang gumamit ng anumang mga kemikals. Ito ang iba’t ibang natural na paraan upang makuha ang minimithing tuwid na buhok:

 

1. Gatas Ng Niyog
Pinaniniwalaan na ang gatas ng niyong na may lemon juice ay nakakatulong upang maging bagsak ang buhok. Mayroon din itong abilidad na bigyan ang iyong buhok ng makintab at malambot na epekto. Ang iba pang benepisyo na maaring makuha ay ang pagiging anti bacterial nito na maaring protektahan ang ating anit sa anumang impeksyon.

Paano gawin:

  • Paghaluin ang 1/4 tasang coconut milk at 1 kutsarang lemon juice
  • Palamigin sa ref ang mixture buong gabi
  • Sa umaga, iapply ito sa iyong buhok simula sa roots hanggang sa dulo
  • Iwanan sa loob ng 30 minuto bago shampuhin at banlawan.
2. Itlog at Olive Oil

Ang itlog ay sagana sa protina at may kakayahag panatilihin ang iyong buhok na matibay at makintab habang ang olive oil naman ay maaring tumulong sa pagpapanatili sa iyong buhok na malambot. Kapag pinagsama ang dalawa at inilagay sa buhok, gaganda at uunat ang buhok mo sa natural na paraan.

Paano gawin:

  • Paghaluin ang itlog at olive oil sa isang lalagyan
  • Matapos batihin ito ay iapply ito sa iyong buhok
  • Iwanan sa loob ng 1 oras
  • Hugasan ng tubig at mild na shampoo ang iyong buhok
3. Aloe Vera

Ang aloe vera ay may mga natural na kemikals na kayang panatilihin ay iyong buhok na malambot. Dahil ang aloe vera din ay may taglay na kakayahan upang panatilihing moisturized ang buhok sa mahabang oras, ito ay maaring tumulong din upang tumuwid ang buhok mo sa natural na paraan.

Paano gawin:

  • Maghalo ng 1/4 tasang coconut oil at 1/4 tasang gel ng aloe vera
  • Siguraduhing i-mix itong mabuti
  • Iapply ang nagawang paste sa iyong buhok at iwan ng 40 minuto
  • Banlawan ng tubig at shampoo

 

 

 

Got a story for us? Need to tell us about something amazing you've seen or done? Want us to investigate something? Get in touch!
Email receive.latestnews@gmail.com, and you could even earn money for your stories or tips.