Kapag kumain tayo ng saging, karaniwang ginagawa natin ay tinatapon na ang balat nito. Ngunit alam niyo ba na mayroon pa pala itong pakinabang. Dahil ang mga ito ay mayroong anti-fungal at antibiotic properties at magagamit mo pa ito bilang pampaganda!

Ang balat ng saging ay mayaman sa bitamina B6 at 12, magnesium at potassium. Nagtataglay din ito ng mga antioxidants na tumutulong sa pagtanggal ng mga free radicals sa ating katawan. Narito ang mga gamit ng balat ng saging na pwede mong gamitin bilang pampaganda.

1. Pantanggal ng blemishes at dark spots sa mukha

Makakatulong ang balat ng saging kung gusto mong ma-achieve ang makinis at malambot na balat sa pamamagitan ng pagtatanggal ng mga dark spots. Dahil ito ay nagtataglay ng antioxidants na kayang protektahan ang balat laban sa ultraviolet rays ng araw.

  • Ipahid lang ang loob ng balat ng saging sa parte ng katawan na may maitim na balat
  • Ipahid hanggang ang balat ay maging kulay brown
  • Hayaan sa loob ng 30 minuto bago hugasan ang mukha ng maligamgam na tubig


2. Pantanggal sa tigyawat

Ang balat ng saging ay mayaman din sa bitamina na nakakatulong upang i-renew ang balat at bawasan ang mga peklat na dulot ng tigyawat. Nakakatulong ang anti-microbial properties nito na tanggalin ang mga bakterya sa iyong pores.

  • Imassage ang loob ng balat ng saging sa iyong tigyawat sa loob ng 10 minuto
  • Hayaan ito sa iyong mukha sa loob ng 2 oras bago hugasan ng malamig na tubig
  • Gawin ito 1 beses sa isang araw sa loob ng 1 linggo

3. Pampaputi ng ngipin

Mayaman sa mineral ang balat ng saging na mabisang pantanggal ng tartar sa ngipin at paninilaw nito. Ipahid lang ito sa iyong mga ngipin sa loob ng 2 minuto.

4. Pampabawas ng mga kulubot sa mukha o wrinkles
Nakakatulong ang mga taglay na antioxidants ng balat ng saging upang labanan ang mga free radicals sa katawan na nagdudulot ng maagang pagtanda o premature aging. Ang nutrisyon na nakukuha dito ay pinapadami ang produksyon ng mga healthy skin cells.

  • Ipahid lang ang balat ng saging sa iyong mga wrinkles sa mukha at imassage sa loob ng 10 minuto
  • Hayaang matuyo sa balat sa loob ng 4 oras
  • Gawin ito 1 beses isang araw

5. Pantanggal ng eyebags o itim sa ilalim ng mata

Ang taglay na potassium ng balat ng saging ay nakakatulong bawasan ang pamamaga ng mata at ang eyebags. Mas mabisa ito kung hinalo kasama ang aloe vera gel.

  • Gayatin ang loob ng balat ng saging at ihalo ang gel ng aloe vera
  • Ipaghalo ang dalawang sangkap
  • Gumamit ng bulak at ipahid ang mixture na ito sa ilalim ng iyong mata
  • Iwanan sa loob ng 15 minuto bago banlawan
Got a story for us? Need to tell us about something amazing you've seen or done? Want us to investigate something? Get in touch!
Email receive.latestnews@gmail.com, and you could even earn money for your stories or tips.