Ang luya ay isa sa pinaka masustansyang sangkap na napakadaling makita sa ating bahay. Ito ay isa ring kilalang bungang ugat na ginagamit pampabango at pang palasa ng pagkain. Ang isang tao ay hindi mahihirapan makahanap at makabili ng luya dahil tumutubo ito sa kahit saang parte ng Pilipinas.

Hindi lang sa pagluluto ginagamit ang luya. Sa dami ng sustansyang makikita sa bungang ugat na ito, kalimitan ginagamit ang luya para maiwasan ang pagsusuka, hilo, “morning s!ckness” at iba pang problemang nararanasan pagdating sa pagtunaw ng pagkain.
Para malaman ang ibang benepisyo pang kalusugan na maaaring makuha sa pag gamit ng luya, narito ang ibang halimbawa:

 

1. Ang luya ay maaaring gamot sa Rayuma 
 
Ang pag didikdik ng luya at paghahalo nito sa langis ay sinasabing mabisang pang gamut sa rayuma. Itatapal lang sa bahagi ng katawan na nananakit ang dinikdik ng luyang may langis upang maibsan ang sak!t na nararamdaman. Maari ding inumin ang salabat o nilagang luya para diretsong makuha ang sustansya nito.
2. Sugat
Maaaring gamiting panlinis ng sugat ang bungang-ugat ng luya na hinaluan ng rubbing @1coh0l upang mapabilis ang pag galing ng sugat sa katawan.
3. Sak!t ng lalamunan
Maaring mapagaling ang nararanasang sak!t sa lalamunan sa pamamagitan ng pag inom ng salabat o sabaw ng nilagang luya.
4. Pananak!t ng Ulo
Didikdikin lamang ang luya at maaari na itong itapal sa ulong nakakaranas ng sak!t.
 
5. Pagmamanas ng katawan
Sa pamamagitan ng pag-katas ng ugat ng luya at pag inom nito, nagagawa nating makuha ang sustansyang taglay ng luya. Ang pagmamanas ng katawan ay kadalasang sanhi ng pagkakaroon ng tubig, at sinasabi na ang sustansya ng luya ay mabisang pantanggal neto.
 
6. Pang gamot sa Eczema
Dahil ang luya ay mabisang “anti-inflammatory”, napapagaan nito ang kondisyon ng mga taong mayroong “eczema”. Ang mga taong may sak!t na ito ay mayroong balat na mapula, namamaga, makati at tuyo kaya sa pamamagitan ng pag papahid ng dinikdik na luya o paginom ng salabat, maaaring maibsan ang sak!t sa balat na tinatawag na eczema.

 

Got a story for us? Need to tell us about something amazing you've seen or done? Want us to investigate something? Get in touch!
Email receive.latestnews@gmail.com, and you could even earn money for your stories or tips.