Ang pangangati sa balat ay maaari mong maranasan kahit anong oras. At ang nakakasama pa nito ay minsan mahirap pigilan na kamutin ito kaya hindi mo namamalayan na namumula na at nasusugat mo na ang iyong balat.

Kadalasan, ang rason ng pangangati ay dulot ng pagkadry ng iyong balat. Ngunit mayroon ding iba’t ibang dahilan kung bakit bigla na lang mangangati ang iyong balat gaya ng eczema, bulutong, allergy, o kaya naman ay dahil madumi na ito.

Kaya narito ang mga natural home remedies na pwedeng subukan upang mawala ang pangangati ng iyong balat!

1. Magpahid ng yelo o ice cube

Ang paglalagay ng yelo sa balat na makati ay nakakatulong gawing manhid ang paligid ng balat. Mainam din ito na palamigin ang mainit na pakiramdam na dulot ng pangangati.

2. Balat ng saging

Pagkatapos kumain ng saging ay itinatapo na natin ang balat. Ngunit alam niyo ba na maaari niyo itong gamitin sa mga pangangati sa balat. Ang loob ng balat ng saging ay mayroong compound na kayang bawasan ang rash at pangangati. Ipahid lamang ito sa makating balat.

3. Oatmeal

Ang oatmeal ay isa nang karaniwang home remedy na ginagamit sa mga namumula at makating balat. Dahil ito ay mayroong polyphenols na mayroong anti-inflammatory effect upang bawasan ang matinding pangangati. Ito rin ay ginagamit sa mga skin allergies, eczema at bulutong.
Maghalo ng isang kutsaritang pinong oatmeal at tubig upang maging itong paste. Ipahid sa nangangating balat at iwanan sa loob ng 20 minuto bago hugasan.

4. Aloe Vera

Ang gel ng aloe vera ay may natural na antibacterial at anti-inflammatory properties na makakatulong sa pangangati ng iyong balat. May kakayahan din itong gamuting ang mga sunburns, paso, at rashes dahil mayroon itong cooling effect.

 

  • Iextract lang ang gel sa dahon ng aloe vera at ipahid ito sa makating balat

 

5. Apple Cider Vinegar

Ang acetic acid sa apple cider vinegar ay isang antiseptic na nakakatulong puksain ang mga mikrobyo na nagdudulot ng pangangati at irritasyon. May kakayahan din itong i-neutralize ang acidity ng iyong balat.

  • Kumuha ng bulak at lagyan ito ng purong apple cider vinegar at ipahid sa nangangating balat
  • Maaari rin itong isama sa tubig na pampaligo

6. Umiwas sa paggamit ng matatapang na produktong pambalat

Minsan kaya nagkakaroon ng iritasyon ang ating balat ay dahil na rin sa iba’t-ibang produkto na ating ginagamit na mayroong matatapang na kemikal. Ang mga ito ay nagdudulot ng pagkasensitibo o pagkadry ng iyong balat kaya nagkakaroon ng pangangati.

Got a story for us? Need to tell us about something amazing you've seen or done? Want us to investigate something? Get in touch!
Email receive.latestnews@gmail.com, and you could even earn money for your stories or tips.