Ayon nga sa isang kasabihan, “A happy wife means a happy life.” Maraming paraan kung paano mo mapapanatiling masaya ang iyong asawa. Ang pagiging isang mabuting asawa ay isa mga bagay na magpapatatag sa inyong relasyon.

Mayroong mga simple at maliliit na bagay na pwede mong gawin upang mapanatili mong masaya si misis! Narito at alamin ninyo!
1. Pagsabi ng “i love you” o “mahal kita” ng madalas
Ang simpleng pagsabi ng ‘i love you’ ay isa ng malaking bagay ng pagpapakita kung gaano mo siya kamahal. Kaya sabihin ito ng madalas at buong puso.
2. Respetuhin ang kanyang privacy at personal space
May mga oras na kinakailangan ng mga babae na magkaroon ng “me time” o ang pagkakaroon ng oras para lang sa kanyang sarili. Bigyan siyang oras na makapunta sa salon, magpa-manicure, magpa-spa o magkaroon ng oras para sa ibang bagay para siya ay makapag-relax.
3. Tumulong sa mga gawaing bahay
Matagal ng nakasanayan na ang mga babae ang siyang gumagawa ng mga gawaing bahay at pag-aalaga ng mga anak. Minsan ay kailangan din nila ng katuwang sa mga ganitong bagay.

4. Magbigay ng oras para sa inyong dalawa
Pwede kayong mag-set ng date o sorpresahin siya. Kailangan pa rin ng dalawang taong mag-asawa ang magbonding at magkaroon ng oras para sa isa’t-isa upang mapanatiling matatag ang inyong relasyon.
5. Huwag siyang “i-take for granted” o bina-balewala
Hindi dahil mag-asawa na kayo ay pwede mo na siyang i-take for granted. Kailangang matuto ka kung paano siya purihin kahit sa mga maliliit na bagay na ginagawa niya gaya ng pag-aalaga sa iyong anak o pagaasikaso sa inyong pamilya.

6. Mag-ayos upang maging kaakit-akit sa kanya
Hindi maikakaila na gustong-gusto pa rin ng mga babae na magmukhang maaayos at presentable ang kanilang asawa. Iba pa rin ang nag-eeffort ka upang maging gwapo ka sa kanyang paningin.
7. Iwasan ang tumingin sa ibang babae
Dahil mag-asawa na kayo, dapat ay tigilan mo na ang pagtingin sa ibang babae. Bigyan siya ng konting respeto. Hindi masama ang humanga sa iba, ngunit kung sa tingin mo na ito ang nagiging ugat ng iyong pag-aaway ay mas makakabuti kung iwasan na ito.
8. Maging tapat sa kanya
Ang pagkakaroon ng tiwala ay isa sa mga pundasyon ng pagkakaroon ng masaya at matatag na pagsasama. Maging tapat sa kanya sa anumang oras.
Got a story for us? Need to tell us about something amazing you've seen or done? Want us to investigate something? Get in touch!
Email receive.latestnews@gmail.com, and you could even earn money for your stories or tips.