Ang kamote o mas kilala sa ingles na sweet potato ay kilala bilang isang pagkain na sagana sa bitamina, nutrisyon at fiber na maganda para sa ating kalusugan. Kaya naman isa ito sa mga pangunahing pagkain ng mga taong nagdiye-dyeta at nagbubuhat ng mga bakal para gumanda ang katawan.

Maaring ang ilan sa atin ay naiisip na ang kamote ay simple lamang na pagkain at madaling mabusog kung ito’y kakainin. Pero kahit ito ay mura at madaling kainin, ay puno ito ng nutrisyon na may dalang magandang benepisyo sa ating katawan.

Narito ang mga benepisyo na naidudulot ng pagkain ng kamote sa ating kalusugan:
1. Para sa malusog na puso

Ang potassium na nasa kamote ay maganda para sa puso. Napapanatili nito ang balanseng fluid na nakapagpapababa sa presyon ng dugo. Ang potassium din ay tumutulong para sa maaayos na pagtibok ng puso. Ang B6 vitamins na taglay ng kamote ay tumutulong naman upang mapuksa ang tinatawag na homocysteine, isang uri ng substance na nagiging dahilan ng paninigas ng daluyan ng dugo.
2. Pinapatagal ang enerhiya sa katawan

Hindi tulad ng ibang pagkain na halamang ugat, ang kamote ay nagtataglay ng complex carbohydrates na nagbibigay ng pangmatagalang enerhiya sa katawan. Kaya naman kahit eto lang ang iyong kainin ay madali kang mabusog.
3. Dinadagdagan ang tibay ng resistensya

Mayaman din ang kamote sa vitamin C at Vitamin A na pangunahing kailangan ng katawan para sa matibay na resistensya upang makaiwas sa mga karamdaman gaya ng ubo, lagnat, at sipon.
4. Pagbawas ng pamamaga sa loob ng katawan 

Ang pagkain ng kamote ay may taglay na kapangyarihan na tumutulong na mabawasan ang mga pamamaga sa loob ng katawan. Dahil ito ay mayroong potassium, tumutulong ito upang i-regulate ang tibok ng puso at nerve signals, at kontrolin ang iyong kidneys.

5. Nagpapabawas ng timbang

Mayaman ito sa fiber, kaya ito ang karaniwang pagkaing kinakain ng mga gustong magpapayat at magbawas ng timbang. Tumutulong ang fiber upang gawin kang busog kaagad upang maiwasan ang mga food cravings. 

6. Naiwawasto ang blood sugar level

Bagamat ang kamote ay matamis, hindi ito nakakapagpataas ng level ng sugar sa dugo. May katangian ang kamote na low glycemic index kung saan kontrolado ang pagrelease ng sugar sa bloodstream kaya’t hindi nakakatakot kainin ng mga may diabetes.

Paalaala:
Sa mga may problema sa kidney o bato sa kidney, ipinapayo na huwag kumain ng sobrang daming kamote dahil may pag-aaral na hindi ito makabubuti para sa kanilang kundisyon.
Got a story for us? Need to tell us about something amazing you've seen or done? Want us to investigate something? Get in touch!
Email receive.latestnews@gmail.com, and you could even earn money for your stories or tips.